Ospital na itatayo sa Paniqui, iginuhit na

PLANTSADO na ang planong pagtatayo ng isang ospital bilang pagtalima ni Paniqui Town Mayor Miguel “Dors” C. Rivilla,sa kanyang pangako sa mga mamamayan na palakasin pa ang paghahatid ng pangunahing serbisyo sa programang pangkalusugan.

Ayon kay Rivilla,ang panukalang ito ay kaaagad kinatigan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa liderato ni Vice Mayor Gin Linsao.

Sinabi ni Rivilla na isang consultative meeting ang kanyang tinawag na dinaluhan ng mga opisyales ng Kagawaran ng Kalusugan,Phil.Health Insurance Corporation.Paniqui LGU department heads at iba pang mga duktor na may expertise sa management  ng isang ideyalistikong ospital.

Sa pamamagitan umano ng naturang pulong,napag-alaman niyang napakafeasible ang proyektong pagtatayo ng isang municipal hospital bilang isa sa mga pangunahing serbisyo para sa mga mamamayan.


“May kalayuan ang District Hospital sa Camiling at gayun din ang Tarlac Provincial Hospital kaya't naisaplano ng ating administrasyon na magtayo ng isang municipal hospital upang hindi na manganib pa sa biyahe ang mga Paniquenyong nangangailangang maisugod agad-agad sa ospital,”pahayag ni Rivilla.

Sa kasalukuyan din ay pinag-aaralan ng husto anong level ang naturang itatayong ospital na angkop sa pangangailangan ng mga mamamayan.

“Madali lang ang magtayo ng isang ospital pero hindi madali ang operasyon nito kaya't kailangan pa ang hustong pag-aaral.Magkagayunpaman,sinisiguro ko sa aking mga kababayan na maitatayo ang kahilingan nilang makapagtayo tayo natin ng isang ospital,”diin ni Rivilla sa pangradyong palatuntuan ng mga Paniquenyo sa Himpilang DZTC 828 Khz na “Lipad Nang Umunlad.”

Ngayon pa lamang ay punong-puno na ng mga text messages ang naturang Radio Show na bumabati kay Rivilla dahilan upang maagap niyang pag-aksyon sa pangangailangan ng kanyang mga mamamayan.

Isang texter pa ang nagmungkahi sa naturang Radio Program na kapag nakumpleto na umano ang konstruksyon ng proyektong ospital ay pangalanan itong “Tirso Rivilla Memorial Foundation Hospital (Paniqui Municipal Hospital),” ay ilan lamang sa mga text messages na natatanggap ni Mayor Rivilla sa kanyang Radio Show.

“Maraming salamat sa ating texter na si Dexter ng ICF, dahil pinahahalagahan nito ang pangalan ng aking yumaong ama na bagama't hindi siya taga-Paniqui ay nangalaga naman ito sa mga lupain ng mga Cojuangco dito sa ating bayan,”pahayag ni Rivilla.

Share/Save/Bookmark
 

Comments  

 
0 #15 vi austria - beltran 2011-05-22 11:28
Indeed, this is a great news, and we hope to see this proposed hospital in the near future. A "five - year" timeline, according to Mayor Dors, may be expected because of the very tedious planning process with regards to its operations... Goodluck on this one Mayor....our health care services surely needs your attention and its great that you are here to spearhead its improvement.
Quote
 
 
+1 #14 Jen Espinosa 2011-04-01 22:53
This is certainly one of the best things that will ever happen to this municipality, kapag may sarili na siyang hospital, hindi na kailangan pang magseek ng medical help there in Tarlac City kasi there will be one here in Paniqui.Ang mga less-fortunate Paniquenos will no longer worry about costly transpo at long queues sa provincial hospital...

Pero how soon naman po ang hospital?
Quote
 
 
+1 #13 James Ivan 2011-03-27 16:06
wow! malapit na po tayo magkaroon ng sariling municipal hospital... marami po ang matutulungang mamamayan dito sa paniqui lalo na po sa mga nurses natin.. tanung ko lang po kung kailan at saan ipapatayo yung hospital... tnx po
Quote
 
 
0 #12 LUCILA PAMPOSA RUDER 2011-03-02 20:48
ITS A BIG BIG GLADNESS AS I HEARD ABOUT BUILDING HOSPITAL IN MY HOME TOWN. MABUHAY SA NAGPLANONG ITO:
Quote
 
 
0 #11 GAcosta 2011-02-26 16:24
Nakakatuwang malaman po ang balitang ito na sanay matuloy upang makatulong s nangangailangan nating kababayan... Sana'y mapag aralan at maisakatuparan na s lalong madaling panahon... Marami pong salamat s lahat ng mga opisyal ng ating bayan ng Paniqui na patuloy na nagtutulong tulong s pag angat ng atin bayan... Go Paniqui !!! Go!!!
Quote
 
 
0 #10 MLACA 2011-02-15 00:52
ako'y nagagalak sa balitang ito...sobrang matutuwa ang ating mga kababayan na nangangailangan ng agarang lunas kapag ito'y naitayo at nasa operasyon na. GO GO GO MAYOR RIVILLA!
Quote
 
 
0 #9 Richard Pagarigan 2011-01-27 00:37
This is great news! What is the timetable for this?
Quote
 
 
+2 #8 Jacq 2010-12-30 22:10
Im happy to hear this.This will not only help the people of paniqui healthwise but also increase job opportunities for the people of Paniqui. Being an unemployed nurse, this is something that i am looking forward to. I just want to ask kung kelan po kaya ito maitatayo?=)
Quote
 
 
0 #7 ana bel mayo 2010-12-21 20:30
its nice hearing these project (municipal hospital ) hope that can be in the near future ...these means that we have a goverment that funtion ..more power to our mayor and staff
Quote
 
 
+1 #6 Popo Chichioco 2010-12-07 16:48
Hats off to Mayor Dors for this Paniqui Hospital Project. Dakila ka Mayor! Tama rin na ipangalan yun sa yumao mong ama, si Tirso Rivilla. Sana, matapos ito sa lalong madaling panahon at mapakinabangan agad ng mga taga-Paniqui. More power to you Mayor!
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh

Click here to buy Power Saver!