Paniqui FITS Center Pinasiyanan

25 June 2010 -- PORMAL NG BINUKSAN SA MGA MAGSASAKA, MAGING SA MGA NEGOSYANTE AT MANGANGALAKAL NA MAY KINALAMAN SA PAGSASAKA ANG FARMERS INFORMATION & TECHNOLOGY SERVICE (FITS), CENTER SA BAYANG PANIQUI.

Ang pasinaya sa FITS Center ay pinangungunahan ni Paniqui Town Mayor Miguel “Dors” C. Rivilla kasama nina Tarlac College of  Agriculture President Max P. Guillermo, Provincial Agriculture Officer Ms.  Edwina “ Weng” K. Tabamo, Paniqui Municipal Agriculture Virgilio Ildefonso at Tarlac City Agriculture Officer Susan Concepcion.

Ayon kay Rivilla ang FITS Center ay gabay para sa mga magsasaka, negosyante at mga mgangangalakal upang magkaroon ng sapat impormasyon sa makabagong teknolohiya ng pagsasaka.

“Makikita sa FITS ang mga success stories ng mga magsasaka at mga negosyante na maaaring maging gabay ng iba,” pahayag ni Rivilla.

Sinabi pa ng alkalde na nakalaan ang kanyang suporta sa pamamagitan ng pagkakaloob niya ng libreng computer training sa lahat ng mga magsasaka upang matutunan ng mga ito ang makabagong larangan sa teknolohiya at maka-access sa mga sites na maari nilang maging basehan ng mga isasagawang negosyo o pag-aaral hinggil sa  modernong pagsasaka at merkado ng kanilang mga aning produkto.

Masayang inihalimbawa  naman ni Dr. Guillermo na bagama't napakababa ng tingin ng ibang tao sa camote, sinabi niyang sa kasalukuyan ay umaabot sa milyong pisong halaga ang naitatalang kita mula sa naturang rootcrop sa loob lamang ng isang taon.

“Naglaan kami ng malaking pondo bilang pantustos sa pagtatanim ng camote,” pahayag ni Guillermo.

“Sa ngayon hindi na minamata ang camote sapagkat sa pananim na ito, napakalaking halaga ang kinikita ng mga magsasaka,” dagdag pa niya sa  kanyang mensahe.
Kaugnay nito, isang Memorandum-of-Agreement ang nilagdaan sa pagitan nina Mayor Rivilla at MAO

Ildefonso para sa panig ng Pamahalaang Bayan ng Paniqui aaat nina Dr. Guillermo at PAO Tabamo na nagsasaad ng pagtutulungan ng mga naturang ahensiya para sa pagtataguyod ng FITS Center.

Ang Paniqui FITS Center ay iginuhit ni Engr. Maybelyn C. Aranzaso Mun. Engineer.

Paiinstelahan din ng Internet Connection ang FITS Center.

Share/Save/Bookmark
 

Comments  

 
0 #2 Mickael Salazar Bisi 2010-08-11 20:31
Nagpagawa din ako ng SPA...humihingi ako ng resibo di ako binigyan...saan napunta yung binayad ko sa bulsa lang ng iba...paano na yung kaban ng bayan ng Paniqui..magtulungan po tayo na iwasto ang mga mali ng mga taong magnanakaw

[Ed.] Ang SPA po ay kinuha po ninyo sa ating RTC po di ba? Ang RTC po, bagama't nakalagay sa compound ng munisipyo ay hindi po under ng pamumuno ni Mayor Dors. Gayunpaman, hayaan po ninyo at ipapaabot po namin ang inyong hinaing.
Quote
 
 
0 #1 Mickael Salazar Bisi 2010-08-11 20:29
ako po ay dumalaw sa mahal kong bayan ng Panniqui...ang una kong napansin...mga sasakyan na tumatakbo sa school zone ang bibilis wala man lang pulis na humuhuli...kawawa naman ang mga batang mag aaral...parang walang halaga ang kanilang buhay...

A Visitor from Texas.

[Ed.] Muling binilinan na po ni Mayor ang kapulisan na magtalaga ng mga pulis sa school zones. Maraming salamat po.
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh

Click here to buy Power Saver!