Negosyo sa Kariton para sa Paniqui

01 July 2010 -- Umaabot na sa mahigit isang daan katao ang nadulutan ng negosyo ng Pamahalaang bayan ng Paniqui matapos na muling nagkaloob ng dagdag pang pondo ang Kagawaran ng paggawa at Empleyado (DOLE), sa nakalipas na linggo.

Batay sa ulat ni isinumite ni G. Zoilo C. Briones, hepe, Human Resources Management Office (HRMO) umaabot sa halagang P80,000.00 ang muling natanggap ng Administrasyong Rivilla bilang tulong sa  anim kataong mayroon ng mga negosyo upang lalo pa nila itong mapalago sa programang “Negosyo sa Kariton.”

Isa sa kanila ay isang displaced Overseas Filipino Worker na tumanggap ng halagang P5,00 bilang starter kit o panimulang kapital para sa kanyang itinayong maliit ba negosyo.

Ayon kay Briones, ang mga beneficiaries ay yaong mga nagtitinda ng smoked fish (tinapa), fishball at iba pang nasa hanay bilang ambulant vendors.

Una pa rito, nakatanggap si Mayor  Miguel “Dors” C Rivilla ng halagang P500,000 mula sa DOLE, kung saan ito ay pinamahagi sa 100 beneficiaries na ngayon ay patuloy ng umuunlad ang kanilang napiling livelihood.

“Hangad ni Mayor Rivilla na kungdi man ma-zero ang unemployment ay mabawasan ng malaking porsiyento kaya't patuloy ang paghahanap namin ng mgab trabaho na maaaring ipagkaloob sa aming mga kababayan,” pahayag ni Briones.

Inihayag din ng hepe ng HRMO na nakatanggap sila ng ulat mula sa Red Dragon Farms na pito mula sa mga nag-apply ng trabaho sa nakaraang Jobs Expo ang maisasalang na sa pagsasanay bago sila tuluyang kunin bilang mga regular na kawani ng kanilang kumpanya.
Batay sa naging tala sa nakaraang ika-6 na serye ng Jobs Expo sa nakalipas na dalawang linggo, umabot sa bilang na 1004 ang mga aplilkante samantalang 26 naman na kumpanya ang tumugon sa paganyaya upang sumali sa naturang aktibidad.

Ayon kay Rivilla, sa pitong tinawag na magsasanay ay nakasisiguro na ang mga ito na kapag nakumpleto ng kasanayan ay tiyak na magkakaroon na sila ng permanenteng trabaho kasabay ng pagbabago sa takbo ng kanilang pamumuhay.

Maliban sa “Negosyo sa Kariton”, “Unlad Kabuhayan Laban sa Kahirapan” nh Paniqui at DOLE, regular di amg Jobs Exp, Mushroom Livelihood at waterlily crafts, patuloy pa rin ang Rivilla Administration upang mang-akit ng mga negosyante na magtayo ng kanilang kalakal sa Paniqui na makakapaglikha ng maraming trabaho.

Share/Save/Bookmark
 

Add comment


Security code
Refresh

Click here to buy Power Saver!