6th Kabuhayan Expo Dinagsa
Umabot sa 1,004 katao ang pumila upang makapag-aplay sa mga pribadongkumpanya sa ika-anim na serye ng Jobs Fair ng Pamahalaang Bayan ng Paniqui sa nakalipas na linggo.

Ayon kay Paniqui Town Mayor Miguel “Dors” C. Rivilla, tuloy-tuloy ang kanyang isasagawang jobs fair hanggang sa makakuha ng trabaho ang mayoryang bilang ng mga Paniqunians.

Batay sa ulat na isinumite sa kanya ni G. Zoilo Briones, chief, Human Resources Management Office (HRMO), umabot sa 26 ang bilang ng mga kumpanyang nagpa-unlak sa anyaya para tumanggap ng mag Paniquenyong aplikante.

Kabilang sa mga dumating sa naturang Jobs Fair ay ang Philippine Military Academy at nga local businesses sa Bayang Paniqui.

“Napakaraming mga graduates ng iba't ibang kurso pero ang problema wala silang mapasukang trabaho,” pahayag ni Briones.


“Ito ang dahilan upang umabot sa ika-anim na serye ang pagdaraos ng Job Fair sa Paniqui dahil hangad ni Mayor Rivilla na magkaroon ng hanap-buhay ang mga kabataang bagong graduates para magkaroon din ng pagbabago ang kanilang mga buhay,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Mayor Rivilla na sa mahigit na 1,000 aplikante, mayroon lamang matanggap na 100 hanggang 200 ay malaking bagay na ito dahil malaking kabawasan na ito sa unemployment problem na kinakaharap ng mga LGU's.

Matatandaan, batay sa pinakahuling datus ng HRMO sa limang magkakasunod na jobs fairs, umaabot sa mahigit na 200 Paniquenyo ang nagkaroon ng trabaho kada jobs fair, dagdag pa rito ang may 400 Paniquneyong patuloy pa ring nagtatrabaho sa Subic Bay Metropolitan Authority sa Olongapo City.

“Hangga't may kababayan kaming walang trabaho, magpapatuloy ang pagsasagawa ng jobs fair,”pahayag pa ni Rivilla.

Kaugnay nito, bagama't may mga serye ng Jobs Fair sa Paniqui bilang source ng trabaho, mayroon ding livelihood program ang Rivilla Administration na kinabibilangan ng Water Lily products para sa mga households na natuklasang epektibong paraan upang kumita ang mga ito ng pera.

Maliban pa rito ay ang Mushroom culture na ngayon ay pinagkakakitaan na ng mga kabataan sa Bayang Paniqui.

Dagdag pa rito ay pagkakaloob ng Rivilla Administration ng sapat na kapital para sa mga vendors ng fishball.

LIBRENG TAWAG SA ABROAD

Kasabay ng pagdaraos ng ika-anim na Jobs Fair, nagkaroon din ng Libreng Tawag sa Abroad sa pangangasiwa ng Information Technology (IT) Department.

Batay sa datus, 43 katao ang nakinabang sa Libreng Tawag sa ibayong dagat, kung saan nakausa[ nila ang kanilang mga kaanak sa loob ng mahabang sandali.

Ang proyektong ito ay regular na isinasagawa bilang isa sa mga  pangunahing serbisyo ni Mayor Rivilla sa mga mamamayan. (Ulat nina Dave, August at Joy)

Share/Save/Bookmark
 

Add comment


Security code
Refresh

Click here to buy Power Saver!