Tuesday, 23 February 2010 00:00   
Kadugo Mo, Kapuso Mo VII

PATULOY ang Pamahalaang Paniqui sa pagbibigay ng napakahalagang likido sa buhay, ang dugo.

Pinangunahan nina Mayor Miguel “Dors” Cojuangco Rivilla, Vice Mayor Genevieve Linsao at ng Sangguniang Bayan Members ang pagbibigay ng dugo upang maampatan ang kakulangan ng suplay ng dugo sa Philippine National Red Cross noong ika-23 ng Pebrero 2010 sa SB Hall.

Patuloy na ipinadarama at ipinakikita ng pamahalaang Paniqui ang kanilang sinseridad sa pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng blood letting activities.


Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ang mga ito ng kanilang ika-7 na blood letting project na may temang “Kadugo Mo, Buhayin Mo.”

Ayon kay Mayor Rivilla, hangga’t makakaya umano nito ay patuloy siyang magbibigay ng dugo o sa bawat pangangailangan ng kanyang nasasakupan.

“Hanggat kaya ko pong ipagkaloob sa aking mga kababayan ang kanilang hinaing ay matama ko pong ibibigay ang kanilang mga pangangailangan lalo na sa pagtulong sa mga kapus-palad na nangangailangan ng dugo,” ani Rivilla.

Nakiki-usap din si Rivilla sa kaniyang mga kababayan na huwag magsawang magbigay ng kanilang sariwang dugo upang mapunan ang kakulangan ng suplay sa PNRC.

Umabot sa 83 indibidwal ang nagbigay ng kanilang mahalagang fluid sa PNRC at nakalikom ng 37,350 CC na maaaring makatulong sa mamamayang nangangailangan nito.

Matapos magbigay ng kanilang sariwang dugo ay nakatanggap ang mga nagboluntaryo ng grocery items at snacks.

Inasistehan nina Dra. Marissa Miguel at ilang medical staff RHU Paniqui at ni Ma. Lourdes Fajardo ng Provincial Hospital Blood Letting Coordinator, mga PNRC-Tarlac personnel at volunteers ang isinagawang blood letting project part VII ng pamahalaang Paniqui.

Ayon naman kay HRMO head Ziolo Briones, “Patuloy na suportahan ang blood letting activity bilang isang makabuluhang proyekto ng pamahalaang bayang Paniqui upang makatulong sa ating mamamayang nangangailangan lalo na ang mga mahihirap.”

Bukod sa PNRC-Tarlac at ng pamahalaang Paniqui ay kaagapay din sa naganap na blood letting activities ang NGO’s gaya ng telecommunication groups, walk-in donors, mga kapitan ng 35 barangays at municipal employees.  (Randy Castro)

Share/Save/Bookmark
 

Add comment


Security code
Refresh

Click here to buy Power Saver!