|
|
| Jobs Fair sa Paniqui, Pang-anim Na! |
|
Muling nagkaroon ng ibayong pag-asa ang mga Paniquenyo matapos na muling ibukas sa ika-anim na pagkakataon ng Administrasyong Miguel Rivilla ang Jobs Fair sa Paniqui sa pag-asang mapagkakalooban ng trabaho ang kanyang mga kababayan lalo na yaong mga naging biktima ng nagdaang kalamidad. Ayon kay Gng. Norma Lantin, ingat-yaman, maganda ang kanilang koleksyon sa buwis dahil ang mga Paniquenyo ay may mga trabaho. Sa kanyang unang report kay Rivilla, taon-taon umano ay nakakapagtala ang ingat-yaman ng malaking halaga ng koleksyon sa Cedula pa lamang. Ang Cedula ay ginagamit ng mga aplikante na pangkaraniwang requirement ng mga kumpanya sa pagtanggap nila ng mga kawani. Maraming beses nang nagbukas ng Jobs fair ang Paniqui, at natutuwa ako dahil nagkaroon ng trabaho at hanapbuhay ang aking mga kababayan lalo na ang mga kabataan kaya't nagiging produktibo sila sa kanilang lugar,” pahayag ni Rivilla. Kaagad na pinuri ni Rivilla ang mga tauhan ng mga kumpanyang dumating sa Paniqui upang mananggapan ng mga aplikante. |


Comments
RSS feed for comments to this post.