|
|
| P500 para kina Lolo at Lola ng Paniqui |
|
Masayang tinanggap ng may 800 Senior Citizens ng Bayang Paniqui ang katas ng VAT na ipangkaloob ng Malakanyang, sa nakalipas na linggo. “Ang pondo ay mula sa Malakanyang bilang tulong sa mga katandaan lalo na yaong mga Senior Citizen's na naging biktima ng mga nagdaang kalamidad,” hayag ni Rivilla. “Salamat kay Pangulong Gloria sa kaloob niyang pera sa amin. Salamat din kay Mayor Dors dahil kaagad niyang ipinabigay sa amin ito. Malaking tulong na sa amin ang perang ito dahil mayroon kaming magagamit na panggastos sa gamot at pagkain,” sabi ni Lola Maring ng Barangay Bacao, isa sa mga nasalanta ng baha na dala ng Bagyong Pepeng sa nakalipas na buwan. |


Comments
Ako po ay isang single parent, nagtraining po ako ng Basic Computer at Food Processing, sana magkaroon ako ng trabaho para matulungan ko 2 kong anak sa kanilang pag-aaral. O kaya may magpahiram ng pangpuhunan para makapag-umpisa ng negosyo.Para magamit ko ang pinag-aralan ko sa food processing. Maraming salamat po.
Sana po maulit ito at mas maipamigay pa sa mas maraming nakatatanda.
RSS feed for comments to this post.