Friday, 20 November 2009 16:12   
Piestang Palengke sa Paniqui!

Nagdiwang kamakailan ang mga miyembro ng Paniqui Market Vendors Association (PAMAVA) ng kanilang "Piestang Palengke" mula Nobyembre 18 hanggang 20, 2009 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba't ibang mga masasayang gawain sa harapan mismo ng palengke.

Sa unang araw ng pagdiriwang, nagkaroon ng parada ng drum and lyre, paligsahan sa pagkanta, at mga patimpalak sa chess at dama.

Sa pangalawang araw naman ay nagkaroon ng misa ng pasasalamat na dinaluhan ng maraming tao kasama na si Mayor Miguel Rivilla. Maliban pa sa pagpapatuloy ng mga palaro, naging tampok din sa araw na ito ang pagpapaboksing ng mga bakla na siya namang ikinasaya ng marami.

Sa huling araw ng pagdiriwang ay nagkaroon ng Street Dancing competition na sinalihan ng pitong eskwelahan. Sila din ay nagparada sa palibot ng Poblacion.

Sa kabuuan, naging masaya at maayos ang naging pagdiriwang ng nasabing Pyesta na isinasagawa ng PAMAVA kada taon.

Share/Save/Bookmark
 

Comments  

 
+1 #1 jane_Birchett 2009-11-23 10:59
Sayang andyan sana apo ko para magkipaglaban sa chess.
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh

Click here to buy Power Saver!