The Search Is On for Binibining Paniqui 2010

Muli na namang itinaas ng Rivilla Administration ang go signal para sa paghahanap ng mga dilag na Paniquenyo, na bukod na sa may angking ganda at talino ay handa ring humarap para sa paligsahang pangkagandahan  upang Tanghaling Binibining Paniqui 2010.

Kaya’t sa lahat ng mga nais na sumali sa patimpalak pangkagandahang ito ay mangyaring humingi ng application form sa Mayor’s Office o kaya ay makipagniig kay Ginoong Jojo David.  Ang deadline ng submission of applications ay hanggang October 31, 2009 lamang.  

Linux & FOSS to the Academe II

Sa pangunguna ng IT office, gamit ang mga pasilidad ng PaniqueniansUSA eCenter for Community Development, ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Paniqui ay magsasagawa ng isang forum tungkol sa Linux at Free Open Source Software sa ikatlong linggo ng buwan ng Setyembre ng taong ito.

Iimbitahan sa nasabing forum ang mga mag-aaral dito sa ating bayan upang sila ay mamulat sa paggamit ng Linux at ibang pang Free Open Source Software na libreng nadodownload sa internet.

Ipapaskil sa website na ito ang pinal na petsa ng pagsasagawa ng nasabing forum.

PHO, MHO nagwarning laban sa Dengue

MULING nagbabala ang Provincial Health Office hinggil sa posibleng muling pag-atake ng sakit na Dengue ng walang pinipiling lugar o estado ng pamumuhay.

Ayon kay Dr. Ric Ramos, provincial health officer, nakakabahala ang alert  na ipinalabas ng Kagawaran ng Kalusugan dahil sa isang mas peligrosong strain ng virus na dala ng nakamamatay na lamok.
Matatandaan, noong una pa man ay nagpalabas na ng babala ang Municipal Health Office ng Paniqui hinggil sa kahalagahan ng malinis na kapaligiran at pagbabantay sa mga lugar o bagay na posibleng pangitlugan ng naturang Mosquito Carrying Dengue Virus.

Barangay road sa Nancamarinan, ipapagawa na

MAKARAAN ang mahabang panahon na pagdurusa ng mga residente ng Brgy. Nancamarinan dahilan sa maputik nilang kalsada, ito ay kaagad ng tinugunan ni Mayor Dors Rivilla.

Sa Radio Program na Paniqui Lipad Nang Umunlad Show, sinabi ni Rivilla na kaagad niyang inatasan si Engineer Maybell Casalamitao, municipal engineer, upang mag-occular inspection sa naturang barangay at kaagad itong bumuo ng plano para sa pagko-kongkreto ng naturang kalsada.

Matatandaan, matagal na umanong hinihiling ng mga residente sa mga nakaraang meyor ng Paniqui ang pagpapakumpuni ng kanilang kalsada subalit ngayon lamang ito natugunan sa Administrasyong Rivilla.

“Kapag natapos na ni Engr. Casalamitao ang plano, kaagad nating hihilingin sa Sangguniang Bayan na mahanapan ito ng sapat na pondo upang makapagpasimula na sa konstruksyon ng daan sa lalong madaling panahon,” pahayag ni Rivilla.

Share/Save/Bookmark
 

Click here to buy Power Saver!