| TRAINORS’ TRAINING SEMINAR ng YAKAP, matagumpay |
|
AABOT sa mahigit na 400 kabataan, maging ng mga middle ages ang sumali sa ikalawang Fun Run sa Paniqui ,kahapon. Ang naturang Fun Run ay may tatlong kategorya na kinabibilangan ng 3.5 km, 5 km at 10km kung saan ang starting at finish line ay sa Paniqui Plazuela . Pinakabata sa mga sumali ay limang taong gulang. Magkagayunman, hindi kaagad na nakuha ang edad ng pinakamatandang kalahok. Ayon kay Ian Monte, executive assistant to the mayor, umaabot lamang ng 186 ang bilang ng mga naging kalahok sa unang Fun Run, subalit dahil sa dami ng sumali sa naturang Fun Run kahapon, inaasahang madadagdagan pa ang bilang nito sa susunod na “Takbuhang Bayan.” SOLUSYON sa baha sa Barangay Sta. Rosa, pinamamadali ni Mayor Dors PINAAAPURA na Mayor Miguel Dors Rivilla sa Engineering Office ang pagpa-plano upang masoslusyunan ang problemang baha sa Brgy. Sta. Rosa na malalon ng hiling ng mga residente duon. Ayon sa mga residente, kapag bumabaha sa kanilang lugar ay umaabot sa mahabang panahon bago humupa ang tubig baha na dahilan upang hindi sila gaanong makakilos ng normal para sa araw-araw na pamumuhay. Magkagayunman, ayon kay Mayor Rivilla, kailangan ang tamang solusyon sa problemang baha upang mapahumupa man ito sa Sta. Rosa ay hindi naman makaka-apekto sa ibang mga lugar maging sa mgha kabahayan duon. Sinabi pa ni Rivilla na sa kasalukuyan ay mayroon ng suction pump na ginagamit ang barangay subalit ito ay lubhang napakaliit at hindi makayanang higupin ang tubig-baha. “Naghahanap tayo ng malaking pondo upang makabili ng mas malaking bomba ng patubig. Pero huwag mag-alala ang mga residente dahil gumagawa kami sa munisipyo ng paraan upang ito ay masolusyunan,” pahayag pa ni Mayor Rivilla. Waterlily handicrafts NAKAHANDA NANG magpasimula ng kani-kanilang mga sariling disenyo ng produkto ang mga Paniquenyong nagsipagtapos sa idinaos na limang araw na pagsasanay hinggil sa Waterlily Handicrafts sa unang linggo ng Agosto na itinaguyod ni Mrs. Anna Rivilla, sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Dev’t.(MSWDO), at ng Dept. of Trade and Industry (DTI). Ayon kay Mayor Dors Rivilla, ang Waterlily Handirafts ay isa sa mga pangunahing produktong ipinagmamalaki ng Paniqui na inaasahang lalong magpapalakas sa programang One Town, One Product o OTOP ng DTI. “Binibigyan natin ng malaking tulong in terms of financial and technical support ang mga nagsipagtapos ng Waterlily Handicrafts upang mapagbuti ang paggawa ng anumang produkto na maaari nilang ipagbili maging sa local o international market at dapat ay dumaan ito sa quality control upang makasunod tayo sa ISO,” pahayag pa ni Mayor Rivilla. Ang mga pinatuyong waterlily sa Paniqui ay ginagawang tsinelas, handbags, wall decors, centerpiece at marami pang iba na dahilan din upang magpatupad ang MSWDO ng Waterlily Dev’t. project upang mapangalgaan ang mga waterlily at lalo pang mapalawak ang pagkukunan nito. TOURISM Night sa Paniqui naging fund raising campaign “Basta’t sa ikagagaling ng mga Paniquenyo, hindi pahuhuli ang mga residente dito,.” Ito ang pahayag ni Mrs. Lydia Co, Region III Tourism Chairman, matapos na iatalaga nito sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyales ng Paniqui Tourism Council kagabi (Agosto 23, 2009) sa Paniqui Plazuela, sa programang “Gabi ng Turismo.” Ayon kay Co, naging matagumpay ang unang salvo ng pagkakabuo ng Tourism Council ng Paniqui dahil kaagad ay nagkaroon ang mga ito ng sapat na pondo para sa kanilang mga isasagawang proyekto matapos na maghandog ang mga Paniquenyo ng kanilang pananalapi sa ginanap na fund raising campaign kasabay ng naturang programa. Sinaliwan naman kaagad ng magagandang tugtugin sa pamamagitan ng EC Jammers ang mga sponsors and donors, na pawang pang-Ballroom dancing na lalong nagpasigla sa Gabi ng Turismo. |
DALAWAMPU’t pitong Paniquenyo ang matagumpay na nagtapos sa tatlong araw na pagsasanay (Trainors’ Training), na itinaguyod ng bagong tatag na grupong Yamang Adhikain ng Kababaihan at Kababayang Paniquenyo na may acronym na YAKAP na binuo ni Gng. Anna Rivilla, maybahay ni Mayor Miguel “Dors’ Rivilla.
