| Libreng Blood Sampling, isinagawa |
|
Limang libo katao, sumailalim sa pagsusuri UMAABOT sa mahigit na 5,000 Paniquenyo ang boluntaryong nagpa-uri ng kanilang dugo sa proyektong Operation Blood Sampling ng Administrasyong Rivilla na nagtapos sa nakaraang Martes. Matatandaan, nanawagan si Mayor Dors Rivilla sa kanyang mga mamamayan noong nakalipas na buwan na mag-alay ng kanilang sariling dugo upang sa panahon ng may kahigpitan ang pangangailangan nito ay mayroon kaagad na available supply sa Tanggapan ng Krus Na Pula (PNRC). Dahil dito, kagad na pinasimulan ng mga tauhan ng pamahaalaang bayan ng Paniqui sa pangunguna ng Municipal Health Office ang paguuri ng dugo sa lahat ng 35 barangay na ipinapalagay namang matagumpay na nakumpleto ang Blood sampling activities. Sa pamamagitan ng isinakatuparang Blood Sampling activities, magkakaroon ng kumpletong datus ang IT Department upang kaagad na matukoy kung sino sa mga Paniquenyo ang may kaukulang tipo ng dugo sa panahon ng pangangailangan nito. Ang proyektong ito ay ilan lamang sa mga pangunahing hakbang ng Administrasyong Rivilla sa kanyang programang may kinalaman sa dagliang aksyon Programang Pangkalusugan. Rivilla Administration, nagpamahagi ng computers sa mga public elementary schools sa Paniqui Halos di magkamayaw sa tuwa ang mga guro maging ang libo libong mga mag-aaral ng 30 pampublikong paaralan ng Bayang Paniqui matapos na mapagkalooban ang mga ito ng computer units na may kumpletong software programs at peripherals. Ito ay bilang karagdagang units pa ng mga computers na nauna ng naipagkaloob sa mga public elementary schools sa Paniqui ng Administrasyong Rivilla. Kaugnay nito, isang malakling pasasalamat naman ang kaagad na ipinaabot ni Mayor Rivilla sa lahat ng mga miyembro ng Sangguniang bayan sa Pangunguna ni Vice Mayor Gene Linsao dahil sa kaagad na pagpapasa ng isang resolusyon na nag-aatas ng agarang pagpapalabas ng pondong ginugol sa pagbili ng mga naturang computers. 3000 Paniquenyo, may PhilHealth cards na Nakapagtala ang Administrasyong Rivilla ng mahigit sa dobleng bilang ng mga napagkalooban na ng PhilHealth Cards mula sa dating bilang nitong 1,000 PhilHealth card holders sa nakalipas na dalawang taon. Ito’y matapos na makapagpamahagi ang Administrasyong Rivilla ng dagdag pang bagong benificiaries noong isang linggo na umaabot sa bilang na 500. Sa kabuuan, umaabot na sa mahigit na 3,000 ang bilang ng mga Paniquenyong mayroon ng matatawag na pases para sa kanilang kalusugan. MRF, 3 na sa Bayang Paniqui TATLO ang bilang ng mga Material Recovery Facilities sa bayan ng Paniqui matapos na pasinayaan ang isa pang unit sa nakalipas na linggo. Ang pagpapasinaya sa ikatlong MRF ay isinagawa sa Brgy. San Carlos kung saan, ito ay inaasahang magsisilbing mahalagang pasilidad na magagamit upang mapanatili ang ligtas, malinis at maayos na kapaligiran. Ayon kay Mayor Miguel “Dors” C. Rivilla, ang naunang dalawang MRF ay kasalukuyang kumikita na sa pamamagitan ng paggawa ng organic fertilizers mula sa mga biodegradable wastes samantalang malaking pera din ang inaaakyat ng mga recyclable materials na naipagbibili sa mga kumpanyang may kinalaman sa ganitong uri ng negosyo. “Ang kita ng mga pasilidad na ito ay nauuwi sa kaban ng barangay na nagooperate nito bagama’t ang pondo ay galing sa kaban ng pamahalaang bayan,” pahayag ni Rivilla. PAALALA
|

