MAJOR ACCOMPLISHMENTS ni Mayor Rivilla inilahad sa State of the Municipality Address (SOMA)
INILAHAD ni Mayor Miguel “Dors” C. Rivilla ang kanyang mga naging accomplishments at achievements sa ikatlong State of the Municipality Address (SOMA), makaraan ang kanyang pangalawang taong panunungkulan bilang alkalde ng Bayang Paniqui, sa Sangguniang Bayan Hall sa nakalipas na Hulyo 27.

 

Pangunahin sa kanyang ulat sa bayan ay ang tatlong haligi ng kanyang administrasyon na kinabibilangan ng Edukasyon, Kalusugan at Trabaho na aniya ay pawang nagging epektibo sa matinding pangangailangan ng kanyang mga mamamayan.

 

Kaagad niyang isinunod na iulat ang mga programa sa Agrikultura, Impraestruktura, Serbisyong Panglipunan, Kalagayan ng Pananalapi ng Bayan, Peace & Order at ang pagbabalangaks ng mga pamamaraang pangkaunlaran ng mga miyembro ng local na lehislatura (Sangguniang Bayan).

 

Sa kasalukuyan, ayon sa alkalde, patuloy ang implementasyon ng iba’t-ibang proyekto katulad ng pagpapa-kumpuni at pagtatayo ng mga paaralang pampubliko, pagkakaloob ng mga text books at pagkakaloob ng mga computer units na may kumpletong phereperals sa lahat ng mga paaralan.

 

Sa nakalipas na tatlong linggo, nagging abala ang office of the mayor sa pagpapamahagi ng mga raincoats sa mga Grade 1 pupils sa lahat ng mga paaralan sa Bayang Paniqui.

Kabilang sa pagnanais ni Mayor Rivilla na magkaroon ng sapat na kaalaman sa computer at iba pang mga short term courses ang mga kabataan sa kanyang bayan, nag-lunsad ito ng scholarship grants para sa mga out-of-school youths. Ang mga ito ay matagumpay nang nakatapos ng kanilang kurso at may mga kanya-kanya ng hanapbuhay gamit ang kanilang pinag-aralang asignatura.

 

Kaugnay pa nito, upang lalo pang mapalakas ang kanyang programa sa edukasyon, nakipagkasundo ang Administrasyong Rivilla (matapos siyang bigyan ng kapangyarihan ng sangguniang Bayan sa liderato ni Vice Mayor Gene Linsao), sa AiHu Foundation upang dalhin sa Paniqui ang Van Aralan kung saan mahigit sa 300 kabataan ang libreng nakapag-aral ng computer operations.

 

Sa darating na linggo, magpapamahagi muli ng computers si Mayor Rivilla sa iba’t-ibang paaralang pampubliko bilang dagdag sa bilang ng mga computer units na nauna ng naipinamahagi.

 

Daan-daang mga mamamayan, kasama na ang mga NGO’s ang dumulog sa panawagan ni Rivilla upang ihanda ang lahat ng mga paaralan sa iba’t-ibang mga barangay bago magsimula ang unang araw ng pasukan sa nakalipas na buwan ng Hunyo sa “Operation Brigada Eskuwela.” Ang mga naturang paaralan ay kinumpuni, nilinis at piniturahan upang maging kaiga-igayang pook na paguugatan ng karunungan ng mga kabataan.

 

Upang lalo pang mapalakas ang kaalaman ng mga guro hinggil sa makabagong sistema ng pagtuturo, sinagot ni Mayor Rivilla ang mga seminar expenses ng mga ito na nagresulta naman ng mataas na antas ng pagkatuto ng mga estudyante.

 

PROGRAMANG PANG KALUSUGAN YAMAN NG bayan ang malusog na mamamayan

 

Ito ang prinsipyong nagpapainog sa Administrasyong Rivilla upang lalo pa niyang palakasin at pagyamanin ang paghahatid ng mga programang pangkalusugan sa 34 na barangay ng Bayang Paniqui bilang ikalawang suhay at haligi ng kanyang adsministrasyon sa inilahad na State of the Municipality Address.

 

Sa loob ng nakalipas na dalawang taon, hindi maitatanggi ng mga Paniquenyo ang mga programa at mga proyektong naisakatuparan na ni Mayor Miguel “Dors” C. Rivilla upang mapanatiling malusog at malayo sa sakit ang kanyang mga mamamayan.

 

Batay sa ulat ng Muncipal Health Office (MHO) sa pamumuno ni Dr. Marissa Miguel, araw-araw ay hindi bababa sa 100 pasyente ang napagkalooban ng libreng konsulta sa kanilang mga karamdaman at kumpletong suplay ng gamut hanggang sa kanilang paggaling.

 

Idinagdag pa ni Dr. Miguel na aktibong katulong ng MHO ang mga barangay health workers upang palaganapin ang medical health program lalo na sa mga mahihirap na pamilya.

 

Tuloy tuloy din ang mga serye ng Medical/Dental Misssion sa iba’t-ibang mga barangay kung saan libo-libong residente na ang nabibiyayaan ng aktibidad na ito.

 

Sa magkasunod na serye ng Surgical Missions sa Paniqui, umaabot sa mahigit na 100 pasyente ang napag-kalooban ng libreng operasyon sa pamamagitan nina Dr. and Mrs. Sui Rivilla-Manalastas kasama ang iba pang mga espesyalista at mga nars ng Makati Medical Center.

 

Kung tutuusin ay aabot ng hanggang P30,000 o higit pa ang gastos sa major operations at aabot naman sa halagang P10,000 hanggang P15,000 ang bayad para sa minor operations kasama na ang mga gamut, subalit lahat ay pawang libre para sa ating mga kababayan,” pahayag ni Rivilla.

 

Sa nakalipas na buwan, itinayo sa Brgy. Colibangbang ang isang modelong gusali ng Barangay Health Center na pinasinayaan nina Mrs. Anna Rivilla at mga brgy. Officials ng naturang barangay.

 

Ayon kay Engr. Maybelline Casalamitao, municipal engineer, natapos na umano niyang idisenyo ang limang iba pang mga itatayong brgy. health centers at day care centers sa iba’t-ibang estratehikong lugar sa Paniqui.

 

Patuloy din ang isinasagawang blood letting activities na nakapang-hikayat pa ng malalaking civic organizations, NGO’s, municipal employees, Kapulisan at mgaing ng mga miyembro ng transport at communications groups.

 

Kasama rin sa kasalukuyang aktibidad ay ang blood samplings sa lahat ng mga barangay. “Layunin ng isinasagawang blood sampling ay upang kaagad na malaman kung saan nakatira ang mga possible blood donors upang sa panahon na may mahig;pit na pangangailangan ay alam natin kaagad kung saan sila makokontak,” pahayag pa ni Rivilla.

 

Patuloy din ang kampanya ng pamahalaang bayan sa lahat ng mga paaralang pribado at publiko laban sa Dengue at Influenza A(H1N1) virus sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang paraan ng paghuhugas ng kamay at malinis na kapaligiran.

 

Kabilang din sa mga isinasa-alang-alang na programang pangkalusugan ay ang pagtuturo sa lahat ng mga Paniquenyo sa tamang paraan at sistema ng pagtatapon ng basura na tinaguraing Solid Wastes Management.

 

SOLID WASTE MANAGEMENT

 

PUSPUSANG ipinatutupad ng pamahalaang bayan sa lahat ng mga barangay ang pagse-segregate ng mga basura mula sa mga households upang ang mga nabubulok na basura ay maikumbert bilang fertilizer sa palayan o maging sa mga halamanan.

 

Ang pages-segregate ng mga basurang di nabubulok ay pinagkakakitaan din ng mga barangay sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga ito bilang recyclable materials katulad ng bakal, bote, plastic at goma.

PROGRAMANG PANG-KABUHAYAN at TRABAHO

 

SA UNANG linggo pa lamang bilang alkalde, kaagad na inilunsad ni Mayor Miguel “Dors” C. Rivilla ang kanyang pangako sa mga kababayan na pagkakaloob ng trabaho sa pamamagitan ng mga serye ng Jobs Fair.

 

Sa apat na magkakasunod na Jobs Fair, nakapagtala ang Human Resource Management Office ng mahigit na 600 Paniquenyo na mayroon ng sarling trabaho sa loob at labas ng Bayang Paniqui kabilang na ang may mahigit a 400 Paniquenyong naipasok ng trabaho sa Subic Bay Metropolitan Authority.

 

Ang ilan namang hindi nakapasa sa mga inihandang pagsusulit ng mga inanyayahang kumpanya sa naturang jobs Fair ay nagkaroon parin ng pagkakataong magkaroon ng hanap-buhay sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng ibang trabaho at pagkakakitaan.

 

Sa ulat na isinumite ni Gng. Sylvia Soriano, MSWD officer, kay Mayor Rivilla, sinabi niyang nagging matagumpay ang proyektong Waterlily Development saiba’t-ibang barangay. Ang mga waterlily kapag mature na ay hinahango ito at pinatutuyo sa araw upang gawing tsinelas, handbag, pamaypay, flowerbase, centerpiece at iba pang mga palamuti.

 

Sa kasalukuyan, ang pagbebenta ng ga finished products ng Waterlily ay naka-abot na sa Maynila at iba pang Panig ng mundo.

 

Kabilang din sa mga livelihood projects ng MSWDO ay ang mushroom production na ang direktang may pakinabang ay ang mga kabataang kasapi ng PAGASA Youth Association. Sa kasalukuyan din ay inagkalooban sila ng Administrasyong Rivilla ng dalawang puwesto sa Kabayanang Paniqui kung saan ay nakapagtala na sila ng malaking benta.

 

PROYEKTO AT IMPRAESTRUKTURA


Sa loob lamang ng unang taon ni Mayor Rivilla, kaagad na nakapag-tala ito ng pambihirang record sa impraestruktura, matapos na maipatayo ang dalawang palapag na Justice Hall mula sa pondo ng kaban ng bayan.

 

Unti-unti ring binubuhay (rehab), sa pamamagitan ng Municipal Engineer’s Office ang mga baradong drainage lalo na sa mga lugar na madalas na binabaha. Paggawa ng mga bagong padaluyan ng tubig-baha, pagpapagawa ng mga farm-to-market roads, tulay ay upgrading ng mga lansangan upang mas madaling iluwas ng mga magsasaka ang kanilang ani sa pamilihan.

 

Naisakatupran din ng Administrasyong Rivilla ang pagpapagawa ng mga paaralan at barangay roads na ngayon ay pinakikinabangan ng ng mga mamamayan.

 

Sa ngayon ay inihahanda na ng MEO ang plano upang isakatuparan ang proyektong magsisilbing solusyon sa malaon ng pagbaha sa Brgy. Santa Rosa at iba pang mga low-lying barangays sa Paniqui.

 

SUPORTA NG MGA MAMAMAYAN, kawani pinasalamatan ni Rivilla

 

ISANG taos pusong pasasalamat ang inihayag ni Mayor Miguel Rivilla sa lahat ng mga mamamayan maging ng mga kawani na walang sawang sumusuporta at tumutugon sa mga programa at proyekto ng pamahalaang bayan.

 

Kaugnay pa nito, pinapurihan din ni Rivilla ang Kapulisan sa pagmamantine ng katahimikan at kapayapaan, ang mga grupong sibiko-kabilang ang mga communications group, Rotary Clubs, Muslims Association, Bikers Club, tennis clubs, transport groups, public market vendors association, mga estudyante, DepEd, mga paaralang pribado at publiko, ang mga Kaparian, mga Ministro, mga Pastor ng iba’t-ibang simbahan at ang Senior Citizens dahil sa pagtugon ng mga ito sa mga panawagan ng katiwasayan, kalinisan at pagkakaisa ng bawat isa.

 

Binigyan din ni Rivilla ng espesyal na papuri sina Gng. Norma Lantin, ingat-yaman, matapos nitong dalawang beses na makamit ang parangal bilang Katangi-tanging Ingat Yaman sa buong Gitnang Luzon at Local Civil Registrar Quirino Gabriel, dahil sa pinakamaayos na talaan sa LCR para sa buong Gitnang Luzon.

 

Maraming salamat sa lahat ng aking mga kababayang Paniquenyo sa marubrob nilang pagsuporta sa administrasyong ito. Maraming salamat pos a inyong lahat,” pagtatapos ni Rivilla.  (joyFsGonzales)

 

Share/Save/Bookmark
 

Click here to buy Power Saver!