Rivilla tatakbo muli bilang alkalde ng Paniqui

Sa ginanap na pulong ng Pastors Association of Paniqui noong Hunyo 1, 2009 at ito rin ang buwanang pagpupulong ng nasabing grupo ay nagkaisa ang mga ito na patuloy nilang susuportahan ang liderato ng kasalukuyang ama ng bayan ng Paniqui na si Mayor Miguel “Dors” Cojuangco Rivilla.

Ang ginawang pagpupulong ay ginanap sa bahay ni Pastor Zaldy Gomez sa barangay Coral, Paniqui, Tarlac at nagkataon ding kaarawan ng tatay ni Pastor Gomez na si Bro. Joe Gomez.

Bukod sa mga pastor at mga opisyales nito ay kasama ring dumalo sa nasabing okasyon sina Col. Cadiente, Rading Cortez at ilan pang mga kilalang kaibigan ni Mang Joe.

Sa naturang okasyon ay inimbitahan ng mga pastor ang butihing mayor at pinaunlakan naman ito ni Rivilla at siya ay dumating. Habang kumakain ay masayang nakipagkuwentuhan ang butihing alkalde sa lahat.

Nang tinanong ng TR ang kalagayan ng bayan ng Panqiui ay walang kiyemeng sinagot agad ni Mayor Rivilla na maganda ang kalagayan sa ngayon ng bayang ito sa lahat ng aspeto.

“Maganda naman po ang takbo ng ating pamahalaan at makikita po ito sa tagumpay ng mga ginanap na okasyon tulad ng jobs fair, blood letting, etc., sa ating pong seguridad ay tahimik ang ating bayan kung tungkol sa peace and order ang pag-uusapan,” ani Mayor Rivilla.

Hindi nakalampas kay Mayor Rivilla ang tanong na tatakbo ba siya muli sa pagka-mayor ng bayang ito o aangat siya n posisyon?

Tahasan nitong sinabing “muli pong tatakbo ang inyong lingkod bilang alkalde ng ating bayang Paniqui at wala pa po akong balak tumakbo bilang Board Member o kaya ay Vice Governor ng lalawigan ng Tarlac taliwas sa mga bali-balitang naririnig sa mga paligid ng ating bayan. Patuloy ko pong gagampanan ang ipinangako kong Lipad Paniqui Lipad,” mariing sabi ni Rivilla.

Share/Save/Bookmark
 

Click here to buy Power Saver!