| Walk for Peace isinagawa sa Paniqui |
|
Isinagawa ang kauna-unahang Walk for Peace sa baya ng Paniqui sa pangunguna nina Mayor Miguel Rivilla, Vice Mayor Gene Linsao, Sangguniang Bayan Members, ang Philippine Army at ng mga kapulisan. Nagsimula ang naturang aktibidad sa Don Eduardo Cojuangco Athletic Bowl at tumungo sa munisipyo ng Paniqui ang mahigit sa isang libong mamamayan upang suportahan ang inilunsad ng pamahalaang Rivilla na kaayusan at kapayapaan sa bayang ito. Ang naturang okasyon ay kabilang na rin sa pagdiriwang ng ika-111 taon ng Araw ng Kasarinlan na patuloy nating tinatamasa sa ngayon. Sa naturang okasyon ay binuo ng pamahalaang Paniqui ang Bayanihan Security System at ang Municipal Peace and Development Action Center na kung saan ang mga opisyales ng mga ito ay nanumpa upang gampanan ang kanilang mga tungkulin. Ang Bayanihan Security System ay sa ilalim ng Paniqui Municipal Resolution No. 70 series of 2009 na iniakda ni Kagawad Sergio Baltazar bilang chair ng peace and order committee.
|

