Lipad nang Umunlad News Excerpts Issue No. 1

Lipad ng UmunladStarting today, we will be featuring the news and discussion excerpts from Mayor Dors Rivilla's news program Paniqui... Lipad nang Umunlad at DZTC aired every Monday from 6 to 7 in the morning.  We may also feature some SMS received during the show.  The news program is in Filipino.  News was gathered and authored by veteran radio and print journalist, Joy Franklin Gonzales.

o0o

INIHAYAG ngayon ng Local Civil Registrar sa lahat ng mga Paniquenyong hindi pa nairerehistro ang kanilang mga anak, na magkakaroon ng Mobile Registration sa iba’t-ibang mga barangay upang magkaroon na ang mga ito ng sariling birth certificates.

Ayon kay Ginoong Quirino O Gabriel, OIC ng Paniqui Local Civil Registrar, na marami pang mga mamamayan ng Paniqui ang wala pang mga birth certificates dahil ang mga ito ay posibleng ipinanganak lamang sa kanilang mga bahay sa tulong ng hilot o kaya ay sadyang hindi nagpunta ang mga magulang sa LCR upang ipareshitro ang kanilang mga bagong silang na anak.

Naririto ang mga iskedyul ng libreng Mobile registration....

Sa Pebrero disiciete ang Free LCR Mobile Registration ay magtutungo sa Barangay Balaoang upang tumanggap ng mga aplikante para sa libreng birth certificates.

Kasama sa mga barangay na maseserbisyuhan ang mga barangay ng Burgos, Mabilang, Aduas, Sinigpit, Rang-ayan at Barang.

Sa February 19 naman, ang sentro ng Free registration ay sa Barangay San Juan De Milla at ang iba pang mga  barangay na maseserbisyuhan ay kinabibilangan ng Brillante, San Carlos at Nagmisaan.

Ang huling araw ng registration ay gaganapin sa Pebrero beinte quatro kung saan ang sentro ay sa Barangay Canan, Ang mga barangay kasamang maseserbisyuhan ay ang Sta. Ines, Manaois, Matalapitap at Abogado.  Ayon kay Gabriel ang iba pang mga barangay na hindi nabanggit ay maaaring magtungo na lamang sa LCR office dahil malapit lamang ang mga ito sa bahay pamahalaan ng Paniqui.

o0o

SA KAUGNAY na balita, inihayag din ngayon ng Local Civil Registrar ng bayang Paniqui ang nalalapit na iskedyul ng Kasalang Bayan na itinaon sa Araw ng mga Puso.

Sa ulat na isinumite ni Ginoong Quirino Gabriel, OIC LCR, aabot sa taong ito sa bilang na anim na pu ang mga nakatakdang ikasal.

Mas mababa umano ang bilang na ito kumpara sa anim na pu’t siyam na pares sa nakalipas na kasalang bayan noong nakaraang taon.

Idinagdag pa sa ulat ng LCR ng Paniqui na sa pinakahuling tala nila, umaabot sa bilang na 200 ang ipinapanganak araw-araw samantalang umaabot naman sa anim na pung pares ang ikinakasal.
Napagtuunan ng pansin ng Paniqui Balita ay ang bilang ng mga nagpapa-walang bisa sa kanilang kasal na umaabot sa average na 25 anullment bawat buwan.

o0o

SA TAONG ito, sunod sunod na proyekto ang ipatutupad ng pamahalaang bayan ng Paniqui kaugnay ng development agenda ng Administrasyong Rivilla.

Batay sa program of work na isinumite ni Municipal engineer Maybelline Casalamitao kay Mayor Miguel Dors Cojuangco Rivilla, uunahin umano sa mga nakahilerang proyekto ay ang pagpapatayo ng common terminal sa isang lote sa Poblacion Sur.
Ang pagtatayo nito ay gugugulan lamang ng halagang 300 daang libong piso.  Sinabi pa sa ulat ni Casalamitao na ang naturang common terminal ay para sa mga pampasadang tricycle upang ang mga ito ay hindi magsilbing mga traffic hazzards sa kanilang mga pansamantalang nililikhang terminal sa iba’t-ibang mga kanto ng daan.

o0o

BILANG paghahanda sa nalalapit na Kapistahang Bayan, uunahing kukumpunihin ng MEO ang Plaza na siyang pagdarausan ng mga mahahalagang akitibidad segun sa Pistang Bayan.

Kaugnay pa ng mga isasagawang mga proyekto ay ang Pasalubong Center kung saan idi-display ang lahat ng ga produktong Paniquenyo at bilang pang-akit na rin sa mga dayuhan at local tourists.

Matatandaan, isa sa mga texters ng Paniqui Lipad Nang Umunlad Program ang nagsuhestiyon na sana ay magkaroon ng sentrong lugar kung saan makikita an glahat ng produktong ipinagmamalaki ng mga mamamayan ng Paniqui.
Kaagad naman itong binigyang katuparan ni mayor Dors Rivilla upang sa lalong madaling panahon ay magkaroon ng isang idiyalistikong pasalubing center ang Bayang Paniqui.

o0o

SA LALONG MADALING panahon matutupad na rin ang mithing pangarap ng mga Paniquenyo na magkaroon ng isang moderno at malinis na slaughterhouse na tulad sa mga de primerang klaseng pook katayan ng mga hayup.
Batay sa report na nakuha ng Bulwagang Pambalitaan ng Lipad ng Umunlad program, aabot sa mahigit na P15 milyon ang nakatakdang gugulin upang makapagtayo ng isang magara at maipagmamalaking slaughterhouse sa Paniqui.
Ayon kay Engr. Maybelline Casalamitao, MEO, hangarin umano ni Mayor Miguel Dors Cojuangco Rivilla na mapanatiling malinis at ligtas ang mga karneng ipinagbibili sa Paniqui Public Market at upang makatiyak na ang bawat kakataying hayup ay dumaan sa proseso  ng meat inspector.

o0o

BAGAMA’T inakalang kumpleto na ang electrification program ng Pamahlaang Bayan ng Paniqui, May mangilan-ngilan na lamang na mga purok at bloke ang patatayuan pa rin sa unang bahagi ng taon ng mga poste ng kuryente na ang pondo ang direktang manggagaling sa kaban ng bayan.

Sa kasalakuyan, batay sa ulat ng MEO, umaabot na sa 32 sites ang fully energized dahilan matapos na ang mga ito ay natayuan na ang mga poste ng kawad ng kuryente, subalit ayon sa MEO, may mga ilang purok pa ang dapat na malinyahan upang ganap na mapailawan ang kabuuan ng Paniqui.

o0o

ISASA-AYOS na ng husto ang mga puwesto sa pamilihang bayan ng Paniqui upang lalo itong maka-akit sa lahat ng mga mamimili.

Sa loob ng maraming taon, ang mga puwesto sa palengke ay wala sa kaayusan bagay na lagi itong inirereklamo ng mga mamimili.

Dahil dito, ise-section na ang lahat ng mga Batay sa reklamo ng mismong mga manininda, karamihan umano sa mga ambulant verndors ay nagawa nilang isara ang daan sa palengke bagay na lalong nagpagulo sa situwasyon.
Kapag naiwasto ang dapat na kalagyan ng mga vendors, tinitiyak ng mga manininda at mga mamimili na magiging maaliwalas ang palengke ng Paniqui.

o0o

IPINALABAS ng comite de pestejos ng Bayang Paniqui ang mga isasagawang aktibidades segun sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan sa marso 20-22.

Kahapon ay nagkaroon na ng screening sa lahat ng mga nais na sumali sa pamosong Mutya ng paniqui Pageant.  Pagkaraan naman nito ay magsasagawa ang mga kandidata ng mga aktibidades na may kinalaman sa community service tulad ng Day Care Feeding Program sa iba’t-ibang mga barangay.

Susundan ito ng presentation of the Candidates at talent night sa unang lingo naman ng susunod na buwan.

Isang magandang panoorin naman ang itatanghal sa buwan ng Marso, kasunod nito ay ang final selection of Miss Paniqui na pawang gaganapin sa Marso hanggang umabot sa kapistahan.

Inaasahan din na maguuwian ang mga Paniquenyong ngayon ay naninirahan sa iba’t-ibang bansa upang lalong mabigyang kulay at buhay ang Pista ng Paniqui.

o0o

Sa lahat ng mga Paniquenyo na may mga sumbong, isyu, concern at kahit na ano na inaakala ninyong lalo pang makakapagpabuti sa pamamahala, pagpapa-unlad at serbisyo sa bayan… I-text mo ‘yan anytime of the day ,  inuulit ko po, anytime of the day kay Mayor Dors Rivilla sa 0915-374-4007 para sa Globe Users, 0928-521-2097 para sa Smart Users o kaya ay direktang tumawag sa oras ng Paniqui Lipad ng Umunlad tuwing Lunes ala sais hanggang ala siyete ng umaga sa 9820074.

Share/Save/Bookmark
 

Click here to buy Power Saver!